BSP, minomonitor ang epekto ng giyera ng Russia at Ukraine sa ekonomiya ng Pilipinas

BSP inaasahan na nila ang epekto nito sa mga presyo ng international commodities tulad ng langis at trigo.

BSP, minomonitor ang epekto ng giyera ng Russia at Ukraine sa ekonomiya ng Pilipinas
iNews

Binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang implikasyon sa ekonomiya ng Pilipinas ang bangaan ng Ukraine-Russia.

Ayon sa BSP, inaasahan na nila ang epekto nito sa mga presyo ng international commodities tulad ng langis at trigo.

Maaari rin anilang maka-apekto ito sa global trade at investment.

Sa kabila nito, tiniyak ng BSP na sinusuportahan nila ang fiscal interventions ng pamahalaan upang maibsan ang mas matinding epekto nito sa ekonomiya ng bansa.