DOE, tiniyak na sapat ang supply ng langis sa bansa
Department o Energy tiniyak na sapat ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa. Hinikayat ang publiko na isumbong ang mga gasolinahan na sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo.
Iimbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang mga gasolihan na sinasabing nananamantala at sobrang kung magpatupad ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., hindi dapat gawing dahilan ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia para labis-labis ang itaas sa presyo ng langis.
Kasabay nito, hinikayat ni Erguiza ang publiko na isumbong sa DOE ang mga gasolinahan na sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sabi naman ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, hindi dapat umabot sa P100 ang kada litro ng gasolina kahit pa sa malalayong probinsya.
Samantala, tiniyak naman ng DOE na sapat ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon sa DOE, may naka-imbak na diesel ang mga kumpanya ng langis na tatagal ng 42 araw at 49 araw para naman sa gasolina.
Lagpas pa aniya ito sa requirement ng gobyerno na 30 araw na imbentaryo.