Pangulong Duterte, umaasang isang compassionate, decisive na abogado ang susunod na Pangulo
Sinabi ng Malacañang na hindi mag-eendorso ng presidential candidate si Pangulong Duterte, maliban na lamang kung may mabigat na dahilan para gawin ito.
Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susunod na presidente ng bansa ay dapat decisive at compassionate na abogado.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte na isa sa mga magandang katangian ng isang presidente ay ang pagiging isang abogado.
Makakatulong aniya ang pagiging abogado sa pagbuo ng mga desisyon dahil batid nito ang mga repercussion ng mga hakbang na dapat gawin.
Iginiit din niya na dapat compassionate, decisive at makatao ang isang pangulo.
Mababatid na sa mga tumatakbong kandidato sa pagka-pangulo ngayong halalan ay tanging sina Vice President Leni Robredo at Dr. Jose Montemayor lang ang abogado.
Una nang sinabi ng Malacañang na hindi mag-eendorso ng presidential candidate si Pangulong Duterte, maliban na lamang kung may mabigat na dahilan para gawin ito.